ANNOUNCEMENT
Simula April 14, 2020, ang Philippine Overseas Labor Office, Washington, DC. (POLO-WDC) ay tatanggap na ng application mula sa mga documented at qualified undocumented OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 alinsunod sa DOLE-AKAP Program.
Mahalaga na maisumite ang mga sumusunod na documentary requirements:
Application Form na maaring makita sa https://forms.gle/wERHU37U2d3HbouH6
Kopya ng inyong passport;
Kopya ng inyong work permit;
Kopya ng kontrata o kung mayroon, kopya ng inyong huling OEC
Kahit na anong patunay/katibayan na ikaw ay nawalan ng trabaho (e.g sulat mula sa employer)
Kung wala nung nasa no.5, pirmahan ang Attestation na mada-download sa https://bit.ly/34unvrQ (word document) o pumunta sa DOLE AKAP website page.
Ang mga nasabing dokumento ay maari ninyong ipadala sa email address – wdc.doleakap@gmail.com
Paki sulat ang “DOLE-AKAP: (Inyong Pangalan)”sa subject line ng email.
Ang inyong dokumento ay aming iproproseso sa loob ng 5-10 araw mula sa araw na aming matanggap ang inyong kumpletong dokumento.
Ang one-time $200 financial assistance ay aming ipapadala sa bank account or remittance center na inyong itinakda sa application form.
For more information, please visit the following website: